Di ko alam kung ilang beses na kitang naging topic dito mula ng simulan ko 'tong blog na toh in year 2005. Yung iba nabura na dahil sa katangahan ko noon na nag-feeling marunong ako magbasa ng Kanji sa opisina, eh di yun, delete content ang napindot ko. So eto na nga, ikaw na uli topic ko, kasi naman bakit ba bigla ka na lang dumadalaw sa panaginip ko.
Mula ng umalis ako sa GC ng batch natin, wala na akong balita sa 'yo. First time this year na binati kita nung birthday mo na hindi mo ko sinagot, mukhang kahit binasa ata di mo ginawa kasi walang react. Anyway, naiintindihan ko naman dahil sa mga post mo, mukhang busy na busy ka sa mga business mo. Pero di ko talaga gets bakit bigla kang nagppop sa panaginip ko at the most unexpected time. Tipong parang "hoy! ang tagal mo na akong di iniisip ah". Oo, aaminin ko, totally nakalimutan na kita. Unsubscribe na ko sa FB mo, yung asawa mo na lang. Nillike ko bawat milestone ng anak nyo. Yung anak mo, kuhang kuha ugali mo nung grade school tayo.
Anyway, gusto ko lang sabihin, nakalimutan man kita to the point na di na ko nagrereact sa mga post mo, di ko naman nakakalimutan kung sino ka sa buhay ko. Kung anong mga pagbabago ang nadala mo sa akin. At yes, hanggang ngayon nagsisisi ako na I built a wall between us. Sobrang taas na ang hirap tibagin. Pilit kong tinitibag ngayon, pero sa sobrang taas nya, parang too late na. Ang layo mo na.
Kung merong the one who got away sa romantic level, ikaw ang the one who got away ko sa friendship level.
Inaamin ko, sobrang nanghihinayang ako sa pagkawala ng pagkakaibigan na meron tayo noon. Yung mga best friend mo ngayon, mga kaibigan mo sila mula sa taon na nagkakilala at naging magkaibigan tayo. Kung di ako nagtayo ng malaking pader sa pagitan natin, I'm sure isa ako sa closest friends mo magpahanggang ngayon.
Sorry, P... Ang taas ng ego ko nung kabataan natin, nasira ang pagkakaibigan natin...