Mula nung Lunes, tamad na tamad ako, Well, may rason naman nung mga nagdaang 3 araw kung bakit: sa di malamang kadahilanan, hinahapo ako sa loob ng 3 araw. Hapo na matutulad ko sa mga pinagdadaanan ko nung 2 taon pa lang ako, di makahinga at masakit ang dibdib. As a brief background, opo, may sakit ako sa puso. Pero sabi sa akin nung 12 taon na ko, okay na ko, wala na dapat ipangamba. Pero, bakit ngayon, after 15 years, nararamdaman ko na naman ang mga sintomas na pinaka-ayoko. Kaya, takot man ako, kelangan ko na namang pumunta sa klinika ng cardiologist sa Sabado. Anyway, tama na ang usapan tungkol sa puso ko, kasi natatakot na naman ako. Ngayon naman, tamad pa din ako, pagkat inaantok ako dahil sa gamot na ininom ko para sa sakit ng ngipin. Opo, pangalawang reklamo ko ang ngipin ko. Oh well, kasalanan ko naman ito. Sabi ng dentist ko, suotin ang retainers NANG WALANG PALYA sa loob ng 3 buwan tapos ay check up ako ulit, pero 1 linggo ko lang sinuot ang retainers at tinambak na sa loob...