Note: I will be posting in Taglish (Tagalog-English) because I really want to pour my emotions out. Kahit na puno ng positivity ang last post ko, at puno ng hope ang bawat tulang sinulat ko, aaminin ko, mas madami ang depression moments ko mula nang malaman kong may aneurysm ako. First, andun yung takot ko noon, takot na hindi ko malalampasan yung operasyon, takot na yun na ang katapusan. Ang dami kong luhang iniiyak, kasi hindi pa ako handa. Hindi ako handang iwanan ang mga mahal ko sa buhay. Aaminin ko, ilang beses, at hanggang ngayon, paulit ulit kong tinatanong, "bakit ako?". Why me, of all people in the world. I know I am not the nicest person on earth, pero hindi din naman siguro ako ang pinakamakasalanan. After nung first operation ko, labas-masok ako sa hospital dahil sa complications, at promise, sumuko na ko. Ayoko na, hirap na hirap na ako sa sakit, sa hindi maipaliwanag ng agham na pinagmumulan ng lahat nung sakit. Okay ang CT-scans, pero laging may masakit. Tatl...