Note: I will be posting in Taglish (Tagalog-English) because I really want to pour my emotions out.
Kahit na puno ng positivity ang last post ko, at puno ng hope ang bawat tulang sinulat ko, aaminin ko, mas madami ang depression moments ko mula nang malaman kong may aneurysm ako. First, andun yung takot ko noon, takot na hindi ko malalampasan yung operasyon, takot na yun na ang katapusan. Ang dami kong luhang iniiyak, kasi hindi pa ako handa. Hindi ako handang iwanan ang mga mahal ko sa buhay. Aaminin ko, ilang beses, at hanggang ngayon, paulit ulit kong tinatanong, "bakit ako?". Why me, of all people in the world. I know I am not the nicest person on earth, pero hindi din naman siguro ako ang pinakamakasalanan. After nung first operation ko, labas-masok ako sa hospital dahil sa complications, at promise, sumuko na ko. Ayoko na, hirap na hirap na ako sa sakit, sa hindi maipaliwanag ng agham na pinagmumulan ng lahat nung sakit. Okay ang CT-scans, pero laging may masakit. Tatlong araw lang ang itinatagal ko lagi sa bahay, ambulansya na ang naging sasakyan ko, kulang na lang yung hospital address na ang ipalagay ko sa federal ID ko. Itinatanong ko sa asawa ko, bakit ako, kasi baka may maisasagot sya, gaya ng mga panahong inaaral ko ang history ng Germany at ng Europe, may handang sagot sya lagi, pero wala syang naibigay na sagot, at ang sakit para sa aming dalawa. Para sa akin kasi di ko alam anong mangyayari bukas or sa makalawa. Para sa kanya kasi nakikita nya akong walang gana sa kahit anong bagay, laging depressed, laging nasa kwarto, tulala sa kisame. Hinahatak nya ako laging maglakad lakad, para may iba akong maisip, binibili nya lahat ng matripan ko, kesehodang pambata man yun. Andyan yung bumili ng PS4 at kung ano anong laro para maaliw daw ako pag nasa work sya. Kumpleto ko na ang coloring books ni Millie Marrota, yung kay Johanna Basford kulang lang ako ng isa, at kung ano anong coloring books pa ng iba't ibang publishing house, may 19 na ata etong coloring books sa shelf ko. Pag napapadpad kami sa bookstore, minimum 3 books lagi ang bitbit ko pauwi, kahit halos wala akong nababasa sa kanila, napupuno lang yung shelf ko, hindi naman nabubuklat. Pero hindi sya tumitigil, basta daw makakabawas sa depression ko, hindi sya magdadalawang isip bilihin. I am the luckiest girl alive kung asawa ang pagbabasehan. He is always there at my side, and takes really good care of me. Pero may araw talaga na feeling ko ako na ang pinakamalas na tao sa mundo. Ang sakit talaga tanggapin na ako ang may karamdaman na ganito. But ano pa nga ba magagawa ko? Embryo pa lang ako andito na sya, sooner or later talagang lalabas at lalabas ang symptoms. All I can do is to accept my fate, fight the negative thoughts and try to look forward. Ang hirap, pero kelangan kong gawin. Nagpaplano ako for days ahead of me, months, even years, kahit na walang kasiguruhan kung ilang araw, buwan o taon pa ang nalalabi para sa akin. I continue to write my plans and dreams, because those things makes me feel more optimistic, it gives me a tinge of hope to hold on and continue the fight.
Sabi nga ng kaibigan ko dito, laban lang ng laban, walang sukuan!
No comments:
Post a Comment