Tuesday, December 28, 2021

Shitty 2021

 This year has brought me nothing but tears and disappointments. This has been the shittiest year I ever had. In few days, the year will end. I just hope that the new year will bring me new hopes and bring back my smile.

Soon, I will be strong enough to tell the world what happened in 2021. Soon, I will be able to tell you all why I always have tears in my eyes. For now, I just can't wait for this year to end. I have enough of it and all its bad memories. If only it is possible to delete a certain year out of your mind, I would completely delete this year. This year is not worth it to be remembered.

New year, please come faster! I wanted to see a hopeful future again!

Friday, May 28, 2021

Inconsistency

Naiinis ako sa sarili ko sa totoo lang. Napaka-inconsistent ng productivity ko. I think last week yung feeling na I can write anything and everything, I was able to submit two poems sa two separate poetry contest dito sa Germany, yung isa approved na for publication, yung isa on review pa din. Tapos this week wala akong gustong gawin kundi matulog. Pati magtrabaho tamad na tamad ako. Thanks to some beta tests at least nakapagwork ako ng konti for this week. Imagine, Friday na bukas peri ang haba pa din ng nasa weekly to-do list ko.

Haaay... Ever since I was diagnosed with aortic disease nung 2015, ganito na ko, ang tamad tamad ko ng mabuhay. Puro tulog na lang ako. Masaya na ko kapaga nakapaglaba at nakapagvacuum ako ng bahay in a week, isang himala na pag ako ang nagluto ng lunch at dinner namin.

I want to be back to my old self. I want to be more productive again. Kaso paano?!?!

Wednesday, May 19, 2021

Salamat Dahil Andyan Ka

Hello,

Actually gusto ko sana sabihin eto ng personal pero mukhang magtatagal pa bago ako makauwi uli. Gusto ko lang naman magpasalamat sa 'yo at sa pagkakaibigan natin. Madami man nagbago, gusto ko lang masigurado na alam mo how much I appreciate you.

Hinding hindi ko makakalimutan na nung panahong sobrang brokenhearted ako, ikaw yung andyan at sumalo sa akin. Ikaw lang yung nag-iisang taong kinwentuhan ko ng lahat ng bagay, maging ng mga bagay na hindi madaling iopen up ng isang babae. Maraming salamat kasi andun ka, nakinig at hindi ako hinusgahan. Pinaramdam mong hindi ako basura, na may taong nagmamahal at nagpapahalaga pa din sa akin sa kabila ng lahat - ikaw. Gusto kong malaman mo na hindi ko nakakalimutan ang lahat ng yun.

Maraming salamat sa pagkakaibigan at pagmamahal. Lagi mong tatandaan, andito ako, patuloy na nagmamahal din sa 'yo.

Wednesday, April 14, 2021

Domain Name: To Buy or Not To Buy?

I have been thinking lately to buy my domain and try to monetize my blog. But then, I realized, hindi naman ako frequent blogger. I write based on my mood. Unlike other content creators, wala akong fresh ideas to share to the world. My sites are boring. So sayang lang?