Chaos
Ang swerte ko sa asawa ko, he is spoiling me in his own small ways. I thank God for bringing him into my life. Maybe that's the reason why it did not work with him, because God has better plans. He knows na kailangan ko ang isang taong aalagaan ako at iintindihin kahit gaano pa ako ka-complicated.
Of course, my husband is not perfect. Dumating din kami sa point na muntik nang maghiwalay. But during those time, hindi ko naisip na bumalik sa nakaraan, bagkus ay pinilit na maayos kaming dalawa. At ngayon nga ay bumabawi sya sa mga panahong nagkulang sya. He definitely deserves this second chance that I give him. ❤️
Pero di ko maintindihan ang sarili ko kung bakit naalala ko pa din sya sa kabila nang ginagawa ng asawa ko. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na hindi nya deserve ang parehong chance. Sinaktan nya ako. Hindi ako ang pinili nya. Pero bakit gusto ko pa ding maging magkaibigan kami?
Dear self, tigilan mo na, please. Tama na ang pagpaparusa mo sa sarili mo. Nasa tamang tao ka na. Hindi mo na kailangan ang makipagkaibigan sa nakaraan.
Comments
Post a Comment