Posts

Showing posts from October, 2026

Chaos

Ang swerte ko sa asawa ko, he is spoiling me in his own small ways. I thank God for bringing him into my life. Maybe that's the reason why it did not work with him, because God has better plans. He knows na kailangan ko ang isang taong aalagaan ako at iintindihin kahit gaano pa ako ka-complicated. Of course, my husband is not perfect. Dumating din kami sa point na muntik nang maghiwalay. But during those time, hindi ko naisip na bumalik sa nakaraan, bagkus ay pinilit na maayos kaming dalawa. At ngayon nga ay bumabawi sya sa mga panahong nagkulang sya. He definitely deserves this second chance that I give him. ❤️ Pero di ko maintindihan ang sarili ko kung bakit naalala ko pa din sya sa kabila nang ginagawa ng asawa ko. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na hindi nya deserve ang parehong chance. Sinaktan nya ako. Hindi ako ang pinili nya. Pero bakit gusto ko pa ding maging magkaibigan kami? Dear self, tigilan mo na, please. Tama na ang pagpaparusa mo sa sarili mo. Nasa tamang tao ka na...

Naiintindihan Ko Na

Habang nagbbrowse ng mga lumang larawan, muli kitang naalala. Hindi ko maiwasang hanapin ka sa internet, at nakita ang larawan ng iyong pamilya... Ngunit wala ka sa mga bagong larawan. Nalungkot ako at nagsisi na bumitaw ako, na hindi kita pinansin nung muli tayong nagkita. Ang daming what-if's na muling nabuhay, na what if kaya mo gustong makipag-usap noon ay dahil humahanap ka ng masasandalan. Ngunit tinalikuran kita, binigyan ng mga one-liner na sagot.  Ngunit habang patuloy na tinitingnan ang mga larawan nila at ng iyong larawan, unti-unting naiintindihan ko na kung bakit sya ang pinili mo at hindi sya. Magaling syang manamit, sunod lagi sa uso kahit hanggang ngayon. Madiskarte sa buhay, at ang mga anak nyo ay tulad nya. Samantalang ako, sapat na ang t-shirt at jeans. Tuwing may mahalagang okasyon lamang ako nag-eeffort sa aking panlabas na kaanyuan. Mas mahalaga sa atin na komportable ako. Kung ang larawan ko ay itatabi sa pamilya mo, magmumukhang dati akong babysitter ng mga ...

I Miss You Tonight

I started blogging around year 2006. I was working in a call center in Makati back then. This was that blog, however, when I worked at Hitachi, my browser was in Japanese and accidentally deleted all posts from 2006. It was not a big loss, kasi puro rants lang naman ako noon about work, my mom and tungkol sa kanya. Come to think of it, I started blogging dahil kay Angel.  Angel gave me back something that I stopped doing and that is writing. And this blog is in reality all about him, with some side characters in between. And maybe that's why I cannot delete this blog completely. This blog contains all the pain I had to dwell in the past.  And most importantly, our love is forever saved in this small space. I used to believe that if I have moved on, I can forget him and remove him out of my life. I was wrong. Moving on only meant learning to love again with the remaining pieces of my broken heart. But the person who holds the broken pieces remains in my memory. Sometimes it see...

Dear Angel,

Di ko alam kung naaalala mo pa ako, pero ikaw, di ko makakayang kalimutan kaylanman. Ilang buwan ka nang laman ng isip ko. Namimiss kita nang sobra... Namimiss ko ang friendship natin... Sana magbalik ka, andami kong gustong ikwento sayo... Maghihintay pa din ako sayo...