16.April 2012 um 23:10 Uhr
Nothing new. Back to school and same old things sa school. Ah, oo nga pala yung mga girls na minsang narinig namin na may discriminating words na sinigaw sa min, they came to talk to us to clear things up. Buti na lang at nag-initiate sila, now we feel a little safer at school.
Tim, my stepson, is sick. Dumugo yung pusod nya. Parang hemorrhoids ang findings at kelangan sya operahan. Kaso ayun, parang ako, may exam din sya, kaya sa 25.May pa sya nagpasched magpaopera. Pero kung ako sya, papaopera ko na agad yun bukas na bukas din. Ayoko nga makakita ng dugo lagi sa katawan ko. Isa yun sa mga bagay na ayoko makita nor mahawakan. Hihimatayin ako, promise. Nung tumawag sila sa kin na nasa hospital sila, kinabahan ako, kala ko si Uwe ang sinugod, at least di naman at buti na lang di ganun kalala yung sakit ni Tim. Thanks be to God pa din. At pagdating ko sa bahay, konting linis at laba at tulog ako ng tanghali. Nagising lang ako nung dumating si Ralf, dala ang papaya ko at mangga!!! Plus corn bits pala... Nakakamiss bigla ang Pinas. Pinanood namin mga pics nya nung swimming nila, ang saya. Nakakamiss ang araw at dagat. Nakakamiss ang summer sa Pinas.
Speaking of exam pala, may trial test uli kami next week. Grabe, di ko namamalayan, 2 weeks and 4 days na lang pala at tapos na ang B1 tapos Politics na. At then DTZ exam na. Nakakakaba at nakakaexcite (auf Deutsch, AUFGEREGT)! Sana makapasa ako with flying colors. Kasi gusto ko na din magwork. Two classmates of mine have Vorstellungsgespräch this week, nakakainggit. Sana ako din. Kahit yung Alessa ang tumawag, payag nako, ggrab ko na talaga yun, basta in line pa din sa Chemistry. Sayang naman talaga ang pinag-aralan ko ng 4 years if pagdating dito eh talagang magsstart ako from scratch. I rather start sa isang papel na may isang guhit na. Familiar naman ako sa guhit na yun eh, at from there saka ako magddrawing ng mas maganda at mas madaming figures. Sana talaga pagbigyan ako ni Lord. Sana makapagwork na ko as Ausbilderin as Chemikantin or Chemielaborantin. Promise ko pagbubutihan ko yun at magiging successful ako sa field ng Chemistry dito sa Germany. Dala ko din ata pangalan ng UST at Canossa kaya kelangan magawa ko silang proud in small ways. I got lots of big dreams that I wish will come true. Pero sabi nga nila, to see these dreams come true, one must wake up. I am little by little waking up from my 10 months sleep. Kumbaga, tapos na ang hibernation period, time to wake up and watch spring come to life. Sana lang, as Summer comes, kasing liwanag at init na din ang katuparan ng mga pangarap ko.
Pero sa ngayon, tutulog na ko para mas madami pa akong panaginip na mabuo. Good night Deutschland! Good morning Philippines!
No comments:
Post a Comment