Wednesday, August 21, 2024

Para Sa Iyo, Inay

Hi Inay!

Andami ko nang post sa Instagram ko. Malungkot lang ako, kami ni Uwe, na hindi ka namin naihatid sa huling araw mo dito sa mundo. Masakit sa amin na ang layo layo namin nung namaalam ka. Gayunpaman, masaya kami kasi wala ka nang sakit na nararamdaman. At matapos ang 26 taon ay muling magkasama na kayo ni Mamay.

Salamat, Inay sa pagiging mabuting lola. Salamat, Inay sa mga alaala. Hinding hindi ka namin makakalimutan, Inay. Mahal na mahal ka namin, Inay...

Hanggang sa muling pagkikita, Inay... 🕊🤍

A Tribute to Grandma

No comments:

Post a Comment