Napakasaya kong mabasa ang mga pagbabago sa buhay mo. Happy to see you succeed and your family growing. Ang laki na ng panganay mo. Nakakatuwa.
At nakakamiss din ang nakaraan.
Yung dati na araw-araw nating pagkkwentuhan, be it in form of text messages, YM chats o personal man sa work. Yun yung mga panahon na I was healing from a very bad relationship. Dahil sayo, na-enjoy ko single life. Yung tipong, never kong kinaawaan sarili ko for being single, kasi masaya ko sa circle of friends ko na single din, at isa ka dun. Naalala ko, may blog din ako noon purely about you, nung knwento ko na may German bf na ko. Ngayon narealize ko bakit ka umiwas for a while. You felt betrayed kasi di tayo sabay umalis sa singlehood, iniwan kita sa ere (sorry naman). Then nagkita tayo sa DFA nung nagrenew ako ng passport, at what a coincidence na ikaw din. Nakwento mong wala ka na din sa singlehood, pero mas advanced pa din status ko, kasi married na ako nun. But that day, nakita ko kung gaano ka kasaya to have her, and tama ako, kita mo naman ngayon, 2 na chikiting nyo! We planned to meet again para makilala ko sya, plano was after ng out of the country trip nyo, kaso umalis na ko.
Seriously now, gusto ko lang pasalamatan ka sa napakagandang memories. At kahit na ang chats natin ay limited na ngayon sa pagbati ng "happy birthday" at "merry Christmas" sa isa't isa, ramdam ko pa din na isa ka pa din sa mga taong matatawag kong tunay na kaibigan.
Promise na talaga, sa sunod na uwi namin, meet up na tayo, bago pa maging 5 ang anak nyo.
Tandaan mo, andito lang ako, friends for life, tik! ;-)