Thursday, June 24, 2010

pag bigla na lang kinagat ng katam-



















Mula nung Lunes, tamad na tamad ako, Well, may rason naman
nung mga nagdaang 3 araw kung bakit: sa di malamang kadahilanan, hinahapo ako
sa loob ng 3 araw. Hapo na matutulad ko sa mga pinagdadaanan ko nung 2 taon pa
lang ako, di makahinga at masakit ang dibdib. As a brief background, opo, may
sakit ako sa puso. Pero sabi sa akin nung 12 taon na ko, okay na ko, wala na
dapat ipangamba. Pero, bakit ngayon, after 15 years, nararamdaman ko na naman
ang mga sintomas na pinaka-ayoko.
Kaya, takot man ako,
kelangan ko na namang pumunta sa klinika ng cardiologist sa Sabado. Anyway,
tama na ang usapan tungkol sa puso ko, kasi natatakot na naman ako. Ngayon
naman, tamad pa din ako, pagkat inaantok ako dahil sa gamot na ininom ko para
sa sakit ng ngipin. Opo, pangalawang reklamo ko ang ngipin ko. Oh well,
kasalanan ko naman ito.
Sabi ng dentist ko, suotin ang
retainers NANG WALANG PALYA sa loob ng 3 buwan tapos ay check up ako ulit, pero
1 linggo ko lang sinuot ang retainers at tinambak na sa loob ng 2 buwan. At
naalala ko na next week, check up ko na naman, kaya ngayong umaga ay sinuot ko
na ulit ito, pag napapansin ko na nagsusungki na naman ang mga ngipin ko, at
VOILA! Nagsungki nga sila, pagkat dati naman ay di masakit pag sinusuot ko ang
retainers, pero ngayon ay sobra sa sakit na wala na kong ganang magtrabaho, at
gusto ko na lang ay humiga at matulog para makalimutan ang lahat ng sakit na
ito. Tapos tinext ko ang dentista ko at umamin na di ko sinuot ang retainers ko
at ngayon ay sobrang sakit at parang sumungki na naman ang upper at lower teeth
ko. Ang naiisip nyang solusyon: IBALIK ANG BRACKETS KO!



 



Sana Byernes na, pagod na pagod na kasi ako para sa linggong
ito. At higit sa lahat, sana
March 2011 na, pagod na pagod na kasi ako sa trabahong ito. Feeling ko nabobobo
na ko dito, masasabi ko na wrong move ata ang pag-alis ko ng Hitachi. Financially, oo, naging okay ako dito:
ipod, cam, 3 cellphone, sofa, queen-size bed, bahay at lupa – lahat yan
nabili ko dahil sa paglipat ko dito sa trabaho ko. Pero napatunayan ko na di
lang lahat ng pagttrabaho ay dahil gusto kong kumita ng malaki. Kelangan ko ng
trabaho na masaya talaga ko at gusto ko ang ginagawa, di yung tipong uupo lang
ako buong araw kausap ang laptop.
Oo, mahal ko ang wikang
Aleman, pero di ang ganitong uri ng trabaho para magamit ko ang wikang Aleman. Sana
March 2011 na, para malaya na ko.







No comments:

Post a Comment