Friday, August 22, 2008

Earning More...!

Kala ko nung una joke lang, sabi nung manager ko, check ko website para malaman ko na totoo sila, www.frontlinefocus.com pero dapat sa kanya ko mag-register para mas mabilis ma-process ang application ko... So go naman ako, dahil kilala ko sya, at credible ang background nya (fyi, manager po sya ng QA sa Hitachi GST). Bigay ko lahat ng need na information nya, tapos eto lang gagawin ko:

1. Certify ko sarili ko online as soon as mareceive ko na shopper ID ko at password sa mail.

2. Certify ko sarili ko sa brand na ivvisit ko.

-at both yan nagawa ko in 1 hour lang. Tpos call sya sa fone ko at eto ang step 3.

3. Visit the shop assigned (either Pizza Hut, KFC or Taco Bell). Wala gagawin, pasok sa restau, order ng gaya ng dati, gumamit ng CR, balik sa table, maghintay sa order, magbayad, kunin ang receipt at lumabas.

4. PAg-uwi, accomplish the report online gamit ang shopper ID at password na nasa e-mail.

5. Wait ng bagong assignment thru text or pwede din mag-assign sa sarili sa website.

6. Wait ng 1 month, at lahat ng nagastos mo, plus token fee isesend sa BDO account mo, or G-cash or Smart Money, kung alin dyan ang naging option ko, yun ay ang BDO.

at ang pinaka-importante sa lahat:

7. KEEP YOURSELF A SECRET sa lahat ng store na pupuntahan mo.

Nabusog na ko, may pera pa ko... Maliit nga lang ang token fee, Php120 per visit, pero ok na din, kasi lahat naman ng ginastos ko sa pag-dine or take out or delivery, lahat yun binalik din eh.

Kaw, interested ka din ba? Email mo lang ako, at isesend na ni Miss Kaye ang invitation nya sa 'yo para makasama ka na din namin. Mga taga-QC area, I encourage you to join, maawa kayo sa kin, mag-isa lang ako nagrround sa lahat ng store sa buong QC (huhuhuhu...)...

e-mail me at: cy_leeanne@live.com

Enjoy your meal, Ma'am/ Sir!

 

Edited: Kahit sa'n pwede, di lang Manila, paki-send na lang ng mail sa live account ko para ma-sendan namin kayo ng details and invitation.

James, censya, di ko makareply sa comment mo, naka-proxy lang ako eh... Bulacan ka, pwedeng pwede ka din! Email mo na lang ako... ;)

3 comments: