Mula nung Bagyong Chedeng, binibwisit mo na ko. Pinagbigyan kita nang mga nakaraang araw dahil sa ilang dahilan:
1. Wala akong time, namatay ang one and only sisterette ng lola ko at busy busy-han kame noon, kaya di ko masyadong feel ang pag-iinarte mo.
2. Lumuwas ako para umattend ng Guidance Counseling Seminar chorva ng CFO, kelangan ko yun para ma-renew ko ang passport ko. Dahil dun, di na naman ako nag-internet at di kita na-feel.
3. Finally, nakapag-net na ko, at nakita ko ang kalokohan mo, BUT! Pinalampas ko, kasi naman ang lakas ng hangin nun, may kulog at kidlat pa, needless to say, may bagyo, at kahit naman TV namin umaarte nang mga panahon na yun, kaya feeling ko normal lang ang pag-iinarte mo. Take note, second bagyo na pala ito, dumating kasi si Chedeng nung nasa deads kame.
Two weeks ko din di namonitor ang pag-iinarte mo. Tapos nung tapos na si bagyong D, gora na naman ako sa net, at eto na ang walang katapusang problema ang binigay mo sa akin. Alam mo ba na Chemistry ang major ko at hindi ComSci o IT o ECE o kung anuman? Lahat nang alam ko sa computer napulot ko lang sa SNS Club ko sa Canossa, at nang mga panahong yun, sobrang baby pa sa Pinas ang Windows, kaka-shift nga lang ng Canossa from Wordstar to Microsoft Word noon eh. Kaya wag mo ko gagamitan ng jargons mo na di ko naiintindihan! Kausapin mo ko nang maayos at wag mo akong sabihan lagi nang “DNS Failed.” Malay ko ba kung ano ang DNS.
Please lang umayos ka, else mapipilitan akong palitan ka na naman! Di mo lang alam, may nakita kong bagong promo ng Sun Broadband, naglelevel up sila sa yo, may bundle din sya na telepono. Sige ka, wala pa man ding available na VOIP para dito sa area ko, eh for sure ang Digitel may VOIP pa na available, pwedeng pwede kitang ipa-cut at palitan ng Digitel anytime. Kaya kung ako sa yo,
UMAYOS KA!
< Sinuswerte lang ba talaga ako ngayon o talagang umayos ka na nga? Nai-publish ko kasi itong blog ko eh. >
No comments:
Post a Comment