hiniling ko na makita ang larawan na natatago... bagaman mas uso na ang facebook, pareho tayong may pangalawang friendster na nananatili... ngunit, di mo ako pinagbigyan... ang daming tanong, para bang nasa presinto ako at tinatanong ng paulit-ulit, tipong may gusto kang mapiga mula sa kin... anu bang gusto mo marinig? "gusto ko makita kasi nagseselos ako", ganun ba? eh bakit ko naman sasabihin yan, eh alam mo naman na masaya na ko sa buhay ko ngayon. kung sana noong mga panahon na magulo ka, at aalis ako papuntang alemanya, kung sana nagsabi ka ng totoo, baka naiba pa ang takbo ng kwento ko, at ng kwento mo... pero magulo ka eh, di ko maintindihan... at may ibang tao na ang nakapag-ayos ng buhay ko na inaasahan ko noon na ikaw ang aayos...
ngayon, asa malayo ka na din...ikaw naman ngayon ang lumayo... pero kahit ang layo mo, ang dami mo pa ding sinasabi na wala pa ding direksyon... hanggang kelan mo ba itatago ang lahat? hanggang kelan mo gagawing malaking palaisipan ang lahat ng nakaraan sa ating dalawa? hanggang kelan mo itatago mula sa akin ang mga sagot sa katanungan kong nalibing na sa loob ng anim na taon...
minahal kita, isa akong sinungaling kung itatatwa ko ang katotohanan na yan... kaya wag mong sasabihin na manhid ako, minahal kita, pero napagod ako sa kakahintay... napagod ako makiramdam na lang sa kung ano ba talaga ako para sa iyo... napagod ako sa mga inaarte mo... napagod ako, na umabot sa puntong, naghanap na ako ng bagong mamahalin... pero alam mo, na sa tuwing tinititigan mo ako, naaalala at naaalala ko ang mga panahon na mahal pa kita, at di maalis sa akin ang mangarap ng: "ano kaya kami ngayon kung di ako napagod?"
kaya, awa mo na, pakita mo na ang mga litrato na tinatago mo dyan sa baul mo sa friendster... at nang matapos na ang pangangarap ko... tama na ang pagbibigay ng "clue" dahil sarili ko lang lagi ang iniisip ko na tinutukoy mo... oo na, makapal na ang mukha ko para isipin na ako yun, pero naman! ang mga linya ng kanta na pinipili mo, at ang huling mga katagang sinagot mo, di naman malayong ako ang tinutukoy mo, ngunit, wala naman tayong litratong dalawa di ba? mapwera na lang mula yun sa kasal ng kapatid mo, at sa teatro...
naaalala kita pagminnsan... pero tapos na yun, nakaraan na lang kita... sa alaala na lang ang lahat... dahil tapos na ang pagiging martir ko... panahon na ngayon para mahalin ko din ang sarili ko...
awww. lalim nun ha..
ReplyDeletehmmm...
pwde kba magvisit ka blog ko n leave a comment? need it for my grade eh. thnx :)
n dont worry be happy dear..
hahaha! lalim ba? wala lang... ^_^
ReplyDeletecge, i'll visit you,,, salamat din sa pagbisita... balik ka... ;-)