Monday, January 19, 2009

Mag-ingat

Dapat pala sa sariling wika ako nagsusulat kapag tungkol sa mga bagay na ayoko gawin pagbalik sa bansa ng mga Aleman... Nahihiya tuloy ako sa isang tao dun na nagmamagandang loob na nga para anyayahan ako pumunta sa kung saan saan pagbalik ko doon, subalit dahil nabasa nya sa isa sa mga sinulat ko (di ko masigurado kung dito o sa Multiply), nalungkot sya na wala akong gustong gawin sa mga bagay na idinudulot nya (ang lalim ata sobra ng Tagalog ko, hahahaha!)... Nahiya naman ako, na kahit di ko pa nga sya kilala ng lubusan, napilitan akong magsabi ng totoo kung bakit ayaw ko yung mga sinabi nya, at buti na lang, di naman sya nagalit at naunawaan naman nya ako... Ngayon, naiipit tuloy akong lumabas talaga kasama sya pagbalik ko sa bansa nila sa Pebrero, kasi mapilit talaga sya, at baka naman magalit na nga sya ng tuluyan kung di ko sya mapagbigyan, ang dami na ng nagawa nya para sa akin, eto lang ang hinihingi nya, ayoko pa... Kasi naman... hayyy...

2 comments:

jfmarcelo said...

Hola:
Te invito a que visites mis blogs de fotos de mi pueblo, de España, de Italia y Francia:

http://blog.iespana.es/jfmmzorita

SALUDOS DESDE ESPAÑA

kleine anne said...

thanks! keep visiting!